Tuesday, June 28, 2011

Ang Pag-ibig ay parang softdrinks

ni Ronnie C. Regencia



Ang pag-ibig ay parang softdrinks

Nakakatanggal ng uhaw

Sabi ng nanay ko tigilan ko na raw

Baka raw kasi ako magka diabetes

Bata pa naman ako

Kaya binaliwala ko

Sinamantala ko

At iba’t ibang brand pa ang sinubukan ko

Royal, Sprite, Coke o Pop Cola?

Sinubukan ko ang pag-ibig na Pop Cola

Ito ang pag-ibig na

“ Tama ang timpla. “

Lahat sa inyo ng kasintahan mo ay nasa tama

Wala kayong problema , palaging masaya

Ngunit naisip ko nakakatamad

Wala kasing thrill lahat ay perpekto na

May pag-ibig ding kakaiba

Ito ang pag-ibig na Coke

“ Mag Smile “

Mapatingin ka pa lang sa crush mo

Smile ka na agad

Ok sana ang pag-ibig na ito

Kaso puro smile ka na lang

At ang pag-ibig na inaasam nating lahat

Ang pag-ibig na Royal

“ Kasi ito ang gusto ko.”

Kahit na nasasaktan ka na,

Basta mahal mo ang isang tao,

Gagawin mo ang lahat para sa kanya,

Kahit na sabihan ka ng tanga at bobo ng iba,

Kasi nga “ ito ang gusto mo. “

At minsan sinubukan ko na lang

Uminom ng Sprite

Nawala lahat ng bigat sa loob ko

“Freedom from thirst “ kasi,

Thirst sa pag-ibig

Ok yung ganito,

Single ka ngayon,

Walang problema

At happy sa ginagawa mo.