Thursday, September 30, 2010
Ideal Bestfriend?
Ang buhay ng tao ay pinalilibutan ng napakaraming tao na maituturing natin na mahahalaga sa atin. Ang ating magulang na laging handang sumuporta sa atin, ang ating mga kaibigan na nagpapasaya sa atin, ang ating minamahal at mayroon din tayong tinuturing na "best friend " na karamay mo sa lahat ng bagay. Ngunit ano nga ba ang katangian ng isang " ideal bestfriend"?
Sabi ng iba, ang ideal bestfriend daw ay yung palaging susuporta sa iyo at tutulong sa iyo sa lahat ng bagay na pagdaanan mo. Yung tutulong sa iyo kapag gipit na gipit ka sa iyong homework at dadamayan kang magpuyat. Pagtatakpan ka sa mga kasinungalingan mo kay Inay at Itay, tutulong sa mga project mo sa school, sasama kapag inaya mong pumunta sa isang lugar at higit sa lahat ay mauutangan mo. Hindi kaya ang tawag dito ay " PA o Personal Alalay"?
Kung ideal ang pag-uusapan lahat ng iyon ay tama, ngunit dapat ko pa bang tanungin kung ano ang "ideal bestfriend"? Ang mga bagay na magagawa ng isang tao para sa iyo ay hindi sukatan kung isa ba siyang ideal bestfriend. Ang pagkakaroon ng bestfriend ay parang pagtanggap ng iyong sarili sapagkat naging bestfriend mo siya sapagkat siya ay kahalintulad mo. Hindi man siya malaking tulong sa iyo, marami man siyang kahinaan, lahat ng ito'y tatanggapin mo sapagkat siya ay bestfriend mo.
Ang ideal bestfriend ay isang tao na kapag tumayo ka tutulungan kang tumayo , kapag nasaktan ka ay nasasaktan din, kapag nagagalit ka ay nagagalit din. Ang pagkakaroon ng bestfriend ay ang pagiisa ng inyong damdamin sa dalawang magkahiwalay na katawan, na hindi masusukat at mapaghihiwalay ng yaman, ganda , katanyagan at kung ano pa mang materyal na bagay magpakailanman. Tandaan mo iyan!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
tamaa!
ReplyDelete