Epekto ng Maayos na Pamamahala ng Guro
sa Pagtatagumpay ng Mag-aaral sa Pag-aaral sa Kolehiyo.
( Konseptong Papel )
Ronnie C. Regencia
Ang maayos na pamamahala ng guro sa loob ng silid-aralan ay isang malaking papel na gampanin sa loob ng paaralan. Marami na rin ang nag-aral ng isyung ito noong mga nakaraang taon. Ang pagtutukan ng pansin ngayon ay ang maayos na pamamahala sa ugali ng mag-aaral, upang mapasunod nila ang mga batas na ipinatutupad ng paaralan. Ang paggamit din ng parusa o pabuya ay magagamit upang subaybayan ang mga mag-aaral na inihanda ng guro. Ang mga silid-aralan na mayroong guro na may disiplinang pinapairal sa loob ng silid-aralan ay bubuo ng magandang impresyon sa mga mag-aaral na makatutulong sa kanilang pagtatagumpay.
Ang pamamahala sa silid-aralan ng sapilitan sa ugali ng mag-aaral ay kaagapay ng kaguluhan, na nagdudulot ng pangit na impresyon sa mag-aaral na humahantong sa pagiging pasaway ng mga ito hanggang sa umabot ito sa pagpaparusa , kaguluhan at pagiging mahina sa klase ng mag-aaral. Ang pamamahala sa silid-aralan kung ibabase natin sa malaya at makataong proseso ay kaagapay ang malaking bahagi ng partisipasyon ng mga mag-aaral , kooperasyon, at magkaroon ng motibong maging mahusay sa akademiko.
Layunin nito na madagdagan pa ang mga patunay na ang demokratikong pamamahala sa silid-aralan ay makatutulong ng malaki sa mga guro na maunawaan ang kaugnayan nito sa pagtatagumpay ng mag-aaral sa kolehiyo.
sa kolehiyo na nakararanas ng maayos na pamamahala ng guro sa silid-aralan ay nagpapamalas ng pagtatagumpay sa kanilang akademiko kesa sa mga nakararanas ng di-maayos na pamamahala ng guro sa silid-aralan.
Maaaring gamitin sa pananaliksik ang mga sumusunod: aklat, jornal, internet, artikulo at iba pa. Maari rin na magsagawa ng interbyu sa mga mag-aaral na nag-aaral sa kolehiyo o di kaya’y magbigay ng questionnaire na kanilang sasagutan na naglalaman ng katanungan ukol dito.
Binubuo ang pananaliksik ng buod na datos ng mga nainterbyu, at nabigyan ng questionnaire. Kasama rin ang mga nasaliksik na datos sa ibat-ibang sanggunian.
No comments:
Post a Comment